Ang Bilog ay hindi lang Gin - Ang Bilog ay Mundo rin.
I posted this entry on my facebook account back in 2010. Now I am re-posting it. Sooner, I will be creating another entry on how far I become as a traveler.
Mar 4, '10 1:57 PM
Gusto kong pumunta sa ibat ibang bansa...Gusto kong malaman yung kultura nila..Gusto kong mabuhay na katulad nila.
Masyadong malaki ang mundo - ang kaalaman ng tao hindi lang para sa bansang nakasanayan mo...kundi para sa buong mundo.
Gusto kong pumunta ng Cambodia - Gusto kong makita ang Angkor Wat. Gusto kong matutunan ang buhay sa Bangladesh. Gusto kong malaman kung bakit mas maunlad na ang Vietnam sa Pinas. Bakit hindi kasama ang mga Pilipino sa 10 most friendliest nation sa Lonely Planet. Gusto kong magkaron ng PR sa Singapore. Gusto kong bumisita sa pinsan ko sa Greece. Gusto kong malaman ang buhay ng kapatid ko sa Taiwan, Gusto kong makita ang kamag anak ko sa Amerika. Gusto kong makakita ng snow. Gusto kong malaman ang pagkakaiba ng lasa ang pagkain ng McDo at KFC sa UK, Amerika at Australia. Gusto kong mag gym sa fitness first ng ibat ibang bansa. Gusto kong makita ang Eiffel Tower at Liberty.
Masarap maging Pinoy lalo na kapag nasa labas...kapag andun ka na sa labas yayakapin mong sarili mo...yayakapin mong maging Pilipino. malalaman mo kung anong mali at tama- malalaman mo kung pano ka tinitignan ng iba. Malalaman mo kung anong pagkakaintindi nila sa'yo...minsan mahirap intindihin pero pag mailalagay mong sarili mo sa kanila kung pano mo kinilala ang ibang nasyon o bansa nila nung nasa loob ka pa lang ng Pinas....kapag naintindihan mo na malalaman mo hindi ka lang Pilipino pero isa ka ng taong pagaari ng buong mundo.
Comments
Post a Comment